Itinanggi ng Department of trade and Industry na plano nilang ipagbawal ang nauusong hover board na kalimitang gamit ng mga kabataan.
Ayon kay Undersecretary Victorio Dimagiba, Spokesman ng DTI, maglalabas lamang sila ng regulasyon para sa ligtas na paggamit ng hoverboard.
Sa January 6 anya nakatakda silang makipagpulong sa mga engineers na nakaka alam sa teknikalidad ng hoverboard upang mabuo ang safety guidelines na puwedeng ilagay sa label ng produkto.
Kinumpirma rin ni Dimagiba na plano nilang itaas sa 14 na taon pataas ang puede lamang gumamit ng hover board dahil sa mataas na boltahe ng ginagamit nitong kuryente.
By: Len Aguirre I Ratsada Balita