Sobrang paghihigpit ang pinag-aaralan ng Commission on Election (COMELEC) na pagbabawal sa face-to-face campaigning para sa 2022 national and local elections.
Sinabi ni Senador Francis Pangilinan na ang maaaring ipagbawal ay malalaking pagtitipon subalit uubra naman aniyang pahintulutan ang maliliit na pagtitipon tulad nang pagtitipon ng 10 hanggang 30 katao at atasan ang lahat ng dadalo na magsuot ng face mask at i-obserba ang social distancing.
Ayon pa kay Pangilinan, maaari namang pagsapit ng campaign period ay marami nang nabakunahan kontra COVID-19 kaya’t maaari na ang mga maliliit na pagtitipon.
Una nang inihayag ng COMELEC na ikinukunsidera nila na ipagbawal ang face-to-face campaigning para sa may 2022 elections dahil sa inaasahang may banta pa rin ng COVID-19 pagsapit ng campaign period. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)