Hindi kawalan sa Pilipinas ang plano ng U.S. Congress na ipagbawal na ang pag-export ng armas para sa Philippine National Police.
Ito ang inihayag ni Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador Panelo kaugnay sa panukalang batas sa U.S. Congress na lagyan ng restrictions ang pagpapadala ng kanilang armas sa Pilipinas dahil umano sa paglabag umano sa karapatang pantao ng P.N.P. kaugnay sa kampanya kontra iligal na droga.
Ayon kay Panelo, ang Amerika ang mawawalan dahil binibili ng gobyerno ng Pilipinas at hindi naman libre ang mga armas.
Marami pa anyang bansang maaaring pagkunan ng armas ng Pilipinas maliban sa Amerika at sa katunayan ay may mga nag-aalok o nais magbigay ng mga sandata para sa mga pulis at sundalo.
Nauna na ang China sa nagbigay ng libreng armas at masusundan pa ito ng panibagong shipment sa Setyembre, bukod pa sa commitment ng Russia na magbigay din ng mga armas.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping
Planong pagbawal ng pag export ng armas ng US sa PH di umano kawalan was last modified: July 22nd, 2017 by DWIZ 882