Hindi na itutuloy ng Department of Agriculture ang planong pagbebenta ng puslit na puting sibuyas sa Kadiwa centers.
Ito’y dahil sa pagtutol ng grupong Samahang Industriya ng Agrikultura o Sinag.
Ayon kay DA Deputy Spokesman Rex Estoperez, nabubulok na ang ilang nakumpiskang sibuyas kaya’t hindi na nila ito ibebenta.
Magsisimula na rin anyang mag-ani ang mga magsasaka ngayong Disyembre kaya’t makadaragdag ito sa inventory ngayong holiday season.
Una nang kinontra ni Sinag Chairman Rosendo So ang plano ng DA na ibenta ang smuggled onions sa Kadiwa centers, dahil lalo lang ma-e-engganyo ang mga trader na magbenta ng mga puslit na agri-product.