Pabor ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa posibilidad ng pagbibigay ng fuel subsidy sa mga mangingisda upang palawigin ang kanilang aktibidad sa West Philippine Sea.
Dahil na rin ito sa lumiliit na kita ng mga mangingisda bunsod ng walang patid na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ayon kay pambansang lakas ng kilusang mamamalakaya ng Pilipinas Chairman Fernando Hicap, natapyas sa P120 kada fishing trip mula sa dating P300 ang kinikita ngayon ng mga mangingisda.
Malaki anyang gastos ang konsumo sa krudo kaya’t kanilang ikinalulugod ang pagsang-ayon ng BFAR sa pagbibigay ng fuel subsidy.—sa panulat ni Drew Nacino