Kinansela na ng Commission on Elections (COMELEC) ang plano nitong pagbili ng P26 million pesos na halaga ng mga bib vest na gagamitin bilang uniform ng mga board of election inspector (BEIs) sa May 9 polls.
Sa halip na bib vest, magsusuot na lamang ang mga poll inspector ng uniform ng Department of Education (DEpEd) sa mismong araw ng halalan habang magbibigay din ang COMELEC ng mga ID sa mga BEI.
Magugunitang kinontra nina COMELEC Commissioners Arthur Lim, Sheriff Abas, Arthur Lim, Luie Tito Guia at Rowena Guanzon ang plano ng poll body at iginiit na gumamit na lamang ng mga ID sa halip na gamitin ang public funds para sa pagbili ng mga uniform.
By Drew Nacino