Pinag-aaralan na ng lokal na pamahalaan ng Zambales at ng Department of Tourism (DOT) ang mga panuntunan at istratehiya para sa muling pagbubukas ng turismo sa Zambales.
Ayon kay DOT Secretary Bernadette Romulo–Puyat kailangang mapalakas ang kampanya sa pagpapakalat ng impormasyon kaugnay sa COVID-19 upang maayos na mapatupad ang health and safety protocols.
Bilang suporta sa pagbabalik sigla ng turismo handa ang DOT na pondohan ang visitor management system ng Zambales gaya ng sistema sa Baguio City na Visitor Information and Travel Assistance (VISITA).
Kaugnay nito, tanging mga lokal na turista lamang ang papayagan oras na magbukas na sa turista ang probinsya ng Zambales.
Tiwala ang naman ang DOT na sa maayos na pagpapatupad ng health protocols sa mga pasyalan sa bansa muling maibabalik ang kumpiyansa ng mga turista.—sa panulat ni Agustina Nolasco