Kinontra sa Kamara ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin na ang partylist system sa oras na balangkasin ng constituent assembly o Con-Ass ang bagong konstitusyon.
Sa halip ay inirekomenda ng mga mambabatas na magpataw ng mas mahigpit na rules and guidelines para sa partylist representatives at mabigat na parusa at penalties para sa mga umaabuso sa batas.
Ayon kay Albay Rep. Edcel Lagman, isa sa mga author ng partylist law, dapat panatilihin ito lalo’t intensyon ng Saligang Batas na magkaroon ng representasyon ang marginalized sectors sa Kamara.
Dapat anyang itigil ang pagpapahintulot sa mga economic-political elite na gamitin ang mga partylist bilang kanilang tulay upang isulong ang kani-kanilang interes.
Mula sa 59 na partylist, 15 kinatawan lamang ang nagmula sa marginalized sectors.
By Drew Nacino