Itinanggi ni Executive Secretary Salvador Medialdea na plano na ni Pangulong Duterte ang magdeklara ng State of Lawless Violence bago pa nangyari ang pagsabog sa Davao City.
Ayon kay Medialdea, hindi nya alam kung saan nagmula ang pahayag ni Presidential Legal Adviser Salvador Panelo na matagal nang pinag aaralan ng Pangulo ang deklarasyon.
Sinabi ni Medialdea na kasama nya ang Pangulo nuong matapos ang pambobomba sa Davao at kaya nyang panindigan na ang insidenteng ito ang nagtulak sa Pangulo para ideklara ang State of Lawless Violence.
Una nang sinabi ni Panelo na matagal na silang gumagawa ng draft ng proklamasyon at kabilang sa mga kundisyon nito ay ang kampanya laban sa illegal drugs, criminality, terrorism at opensiba laban sa Abu Sayyaf.
By: Len Aguirre