Itinanggi ni Russian President Vladimir Putin ang akusasyong nais niyang hatiin ang European Union o EU.
Ito ang iginiit ni Putin kasabay ng kanyang paghahanda sa pagbisita sa Austria bilang kanyang kauna-unahang bilateral trip sa West Europe.
Ayon kay Putin, mas interesado siyang makitang nagkakaisa ang mga bansa sa Europa lalo’t ito aniya ang pinakanangungunang trading at economic partner ng Russia.
Nag-ugat naman ang isyu sa pagpapataw ng sanctions ng EU sa Russia dahil sa pagbibigay suporta nito sa Separatists Group sa Eastern Ukraine.
—-