Hindi mapipigil ng gobyerno ang China sa planong magtayo ng radar station sa Panatag Shoal, isa sa mga islang pinag-aagawan sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na kung ang Amerikano ay hindi nagawang mapigilan ang China, ano pa kaya ang Pilipinas na nasa kalingkingan lang ng China kung armas ang pag-uusapan.
Sinabi ng Pangulo na hindi niya kayang ipasubo ang puwersa ng gobyerno sa China para mapatay lang ng China.
Darating aniya ang tamang panahon para igiit ang karapatan sa West Philippine Sea alinsunod sa naging ruling ng International Tribunal pero hindi pa sa ngayon.,
Ang pakiusap lang ng Pangulo sa China, huwag pagbawalan ang Philippine Coast Guard kung mamasyal sila sa mga islang inaangkin ng Tsina.
By: Aileen Taliping