Itinanggi ng Amerika ang umano’y planong paglikida ng Central Intelligence Agency kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana makaraang makausap si US Ambassador to the Philippines Philip Goldberg.
Sinabi ni Lorenzana na itinanggi mismo ng US ambassador na balak patayin ng CIA ang Pangulo.
Matatandaang sa mga nakalipas na talumpati ng Pangulo ay inihayag ito ang plano umanong paglikida sa kanya ng CIA dahil sa hayagang disgusto sa Amerika at matatalas na pananalita laban kay US President Barack Obama dahil sa isyu ng extra judicial killings.
Hindi naman masabi ng Defense Secreary kung saan nagmula ang impormasyon ni Pangulong Duterte hinggil sa plano umano ng CIA.
By: Aileen Taliping