Tutol ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa plano ng grupong “Kalayaan Atin Ito” na magpadala ng 10,000 youth volunteers sa Kalayaan Islands sa Palawan bilang protesta sa pananakop ng China sa West Philippine Sea.
Ayon kay Western Command Chief, Vice Admiral Alexander Lopez, maaaring malagay sa peligro ang buhay ng mga volunteer mula sa 81 lalawigan dahil sa “unpredictable sea conditions.”
Hindi aniya marahil batid ng grupo kung gaano kadelikado ang paglalayag sa karagatan lalo’t may kalakasan ang alon.
Magugunitang inihayag ng kalayaan atin ito na isang buwan ang itatagal ng kilos protesta o mula November 30 hanggang December 30 kaya’t nangangailangan sila ng suporta sa pamamagitan ng donasyon.
By Drew Nacino