Nanawagan sa DFA o Department of Foreign Affairs ang isang obispo ng simbahang katolika na gawin ang lahat para mailigtas ang tatlong Pilipinong dinukot sa bansang Libya.
Iyan ang apela ni Balanga Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP o Catholic Bishop’s Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrant and Itenerant People.
Ayon sa obispo, suportado nila ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpapadala ito ng barkong pandigma para tumulong sa pagsagip sa mga kababayang binihag sa naturang bansa.
Maliban dito, sinuportahan din ni Santos ang naging hakbang ng South Korea para iligtas din ang kanilang kababayang kasama ng mga Pilipino na ayon sa obispo ay pagpapakita ng pagkakaisa na dapat tularan ng Pilipinas.
Kasunod nito, sinabi ni Bishop Santos na patuloy ang kanilang pananalangin upang matiyak na nasa ligtas ang mga kababayang pinoy sa kabila ng pagkakabihag sa mga ito.