Hindi mapipigilan ng China ang planong pagpapaganda ng pamahalaan sa Pag-asa Island na bahagi ng pinag-aagawang Spratly Islands.
Ayon sa Pangulong Rodrigo Duterte, bahala ang China kung ano ang pananaw nila sa gagawin nilang pagsasa-ayos sa Pag-asa Island.
Binigyang-diin ng Pangulo na bahagi ng obligasyon ng pamahalaan na isa-ayos ang mga istraktura sa Pag-asa Island na itinayo pa noong 1974 at ginagamit ng mga Pilipino.
P1.6-B ang inilaan ng pamahalaan para tayuan ng tourist destination at marine research facility ang Pag-asa Island.
Una nang sinabi ni Chinese Ambassador Zhao Jianhua na iligal ang planong ito ng gobyerno sa West Philippine Sea.
By Len Aguirre