Hindi nababahala ang Philippine National Police (PNP) sa plano ni presumptive president Rodrigo Duterte na palayain ang mga political prisoner.
Ayon kay Chief Supt. Wilben Mayor, tagapagsalita ng PNP, ito ay dahil mayroon namang proseso at mga ahensya ng pamahalaan na dapat sumuri kung sino ang karapat-dapat na palayain.
Naniniwala din si Mayor na kailangan lamang i-develop ng dalawang panig ang tiwala sa isa’t isa at sundin ang anumang mapagkakasunduan upang tagumpay na mabigyan ng puwesto sa gobyerno ang mga makakaliwang grupo.
Samantala, hinimok ng ilang legal luminaries ang kinauukulan na suriin at pag-aralang maigi ang plano ni presumptive president Rodrigo Duterte na pakawalan ang lahat ng political prisoners.
Ayon sa source ng DWIZ, ito ay dahil karamihan sa mga ito ay mayroon nang sintensya o kaya ay sumasailalim sa pagdinig ang kaso.
Posible din umamong madismaya ang hanay ng AFP at PNP dahil sinugal nila ang kanilang mga buhay para mahuli ang mga ito.
By Katrina Valle | Jonathan Andal | Bert Mozo