Hihilingin ng mga Senador kay Pang. Rodrigo Duterte na wag nang ipatupad ang total closure sa Boracay Island.
Ayon kay Sen. Cynthia Villar, Chairman ng Senate Committee on Environment, ang mga non-compliant establishments lamang ang dapat na maipasara at hindi ang mga nag-o-operate ng tama.
Sinabi ni Villar, na napagkasunduan ng mga Senador na i-request sa Pangulo na kanselahin na ang planong pagpapasara ng Boracay dahil marami naman aniyang compliant na business establishment sa isla.
Sa pamamagitan aniya nito, mas mahihimok ang mga non-compliant na mga establisyemento na sumunod sa environmental laws na ipinatutupad sa kilalang tourist destination.
RPE