Iniutos ni Energy Secretary Alfonso Cusi sa National Power Corporation o NAPOCOR na itigil ang planong pagpapataas ng generation charges sa ilang lugar sa bansa.
Ibinaba ang direktiba kay NAPOCOR President Pio Benavidez matapos ang petisyon na inihain ng Energy Regulatory Commission hinggil sa pagtataas na ito.
Kapag napatupad ang pagpapataas ng generation charges, tataas ang presyo ng gasolina at pati ang bayad sa kuryente.
Ayon kay Cusi, imbis na ipasa sa mga mamamayan ang pagbabayad ay dapat pagbutihin ang operasyon ng NAPOCOR upang bumaba ang mga gastusin.