Dapat pag-aralang mabuti ng pamahalaan ang planong pagpapatupad ng “calibrated” na pag-iimport ng sibuyas.
Sa panayan ng DWIZ, iginiit ni Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) Chairman Rosendo So na kailangan linawin ng administrasyon ang pag-aangkat ng mahigit 20,000 metriko tonelada ng sibuyas sa huling bahagi ng buwang ito.
Base aniya sa pagtaya, nasa 20,000 metriko tonelada ang maaani ng mga magsasaka para sa lokal na produksyon ng nasabing produkto.
Ipinabatid pa ni So na walang garantiya na mapapababa ng hakbang na gagawin ng pamahalaan ang presyo ng sibuyas.