Suportado ni UP Professor Roland Simbulan ang plano ng Pangulong Rodrigo Duterte na ipawalang-bisa na ang Visiting Forces Agreement (VFA).
Subalit sinabi ni Simbulan ng UP Development Studies and Public Management na ang pasya ng pangulo ay hindi dapat nakabatay sa personal na konsiderasyon tulad nang pagkakansela ng US visa ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa.
Inihayag ni Simbulan na Amerika lamang ang nakikinabang sa VFA lalo na’t hindi naman iginagalang ng mga sundalong Amerikano ang mga batas ng Pilipinas.
Hindi lamang aniya VFA ang dapat kalasan ng pangulo kundi maging ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) at mutual defense treaty.
Ipinaalala pa ni simbulan na ang Pilipinas ay dapat na “friend of all and enemy of none” o kaibigan ng lahat.