Inihinto na ang planong pagpapatrolya at ilang naval exercises ng Pilipinas at US sa South China Sea.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, nasabihan na ang US military hinggil dito.
Paaalisin na rin, aniya, ang tropa ng Amerika na nag-ooperate ng mga surveillance drone sa oras na makayanan na ng Pilipinas ang pagkalap ng intelligence.
Dagdag pa ni Lorenzana, nais din ng Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil na ang taunang military exercises na isinasagawa ng pwersa ng Estados Unidos sa Pilipinas.
Magugunitang una nang sinabi ni Pangulong Duterte na ito na ang huling Balikatan exercises sa kanyang termino bilang Presidente.
By: Avee Devierte