May basbas na ni Top Rank CEO at Promoter Bob Arum ang pag-re-retiro ni dating 8 Division World Champion at Senador Manny Pacquiao sakaling magdesisyon na ito na tuldukan na ang kanyang career.
Ayon kay Arum, isandaang porsyento niyang suportado ang plano ni Pacman na magretiro.
Aminado si Bob na bagaman maaari pa namang lumaban ang pambansang kamao, hindi naman niya mapipigilan sakaling magpasya na itong tumigil sa boxing.
Inihalimbawa pa ni Arum ang biglaang pag-reretiro noong Setyembre ni Super Middleweight Champion Andre Ward kahit nasa rurok ito ng kanyang career sa edad lamang na 33.
Mas maigi anyang tuldukan na ang boxing career sa halip na makaranas ng matinding injury o pinsala sa katawan sa naturang sport.