Bubuhayin ng Duterte administration ang planong pagsasaayos ng Northern Luzon Railway Network na magdurugtong sa Metro Manila sa mga lalawigan ng Tarlac, La Union at Cagayan.
Ito ang inihayag ng Department of Transportation matapos ang bilateral meeting sa kanilang counterparts mula Russia sa katatapos lamang na 31st Association of Southeast Asian Nations Summit.
Ayon kay Transportation Assistant Secretary Leah Quiambao, tinututukan na ng Pilipinas at Russia ang iba pang areas of cooperation.
Kabilang na rito ang posibleng grant mula Russia upang pondohan ang isang pag-aaral sa “Northern Luzon Railway Corridor” o mga lugar bukod sa paglalagay ng railway sa New Clark City sa Pampanga.
Isa anya ang Russia sa may pinaka-mahabang railway sa mundo at inaasahang makatutulong ang karanasan ng Russian Government sa pag-develop ng mga riles sa Pilipinas.