Nakatakdang maglabas ng kanilang pahayag ang DOH o Department of Health bukas, Marso 11 kaugnay sa tila pagbabago ng isip ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito’y makaraang kumambiyo ang pangulo sa isinusulong na pagsasaligal sa paggamit ng marijuana bilang isa sa mga alternatibong lunas sa iba’t ibang sakit.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, dapat mapag-aralang maigi ang nasabing panukala bagaman bilang doktor aniya ay may mga katunayan namang may gamit ang marijuana sa panggagamot.
Mungkahi pa ng kalihim, pangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA at Food and Drugs Administration o FDA ang pag-aaral dito.
Magugunitang lumusot na sa ikatlo at huling pagbasa sa mababang kapulungan ang House Bill 6517 o Philippine Compassionate Medical Cannabis Act.