Ibinunyag ni Senator Bongbong Marcos na nais umano ni Pangulong Noynoy Aquino na masibak siya bilang pinuno ng Committee on Local Government.
Ayon kay Marcos, may natanggap siyang impormasyon na ipinasusulong ni Aquino kay Senate President Franklin Drilon ang reorganization sa senado upang mailusot agad ang BBL o Bangsamoro Basic Law.
Una nang isiniwalat ni Marcos na bumubuo siya ng substitute bill ng BBL upang maalis ang agam-agam sa naturang panukalang batas.
Tiniyak naman ng senador na hindi siya magpapatinag sa banta ng reorganization sa mataas na kapulungan ng kongreso.
By Jelbert Perdez