Itinuturing na paglabag sa saligang batas ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na suspindehin ang pribilehiyo ng Writ of Habeas Corpus o ang pagpapatupad ng warrantless arrest.
Ito ang nagkakaisang pahayag nila ACT Partylist rep. Antonio Tinio at Bayanmuna Partylist Rep. Carlos Zarate bilang reaksyon sa naging pahayag ng Pangulo kamakailan.
Sa panig ni Tinio, walang pangangailangan para suspindehin ang naturang pribilehiyo dahil sa hindi naman nakararanas ng digmaan at wala namang nangyayaring rebelyon o pananakop sa bansa.
Pahayag naman ni Zarate, dapat kalimutan na lamang ng Pangulo ang nasabing plano dahil tiyak na haharangin nila ito kapag isinulong ng Palasyo sa plenaryo ng Kamara.
By: Jaymark Dagala / Jill Resontoc