Binatikos ng labor groups, employers at ilang mambabatas ang hakbang ng Social Security System (SSS) na taasan ang mandatory contribution ng mga miyembro simula Enero 2021.
Ayon sa Employers’ Confederation Of the Philippines o ECOP, kung ang gobyerno ay ipinagpaliban ang mga koleksyon at pagbabayad para matulungan ang mga Pilipino lalo na ang mga naapektuhan ang hanapbuhay ng pandemya wala aniyang dahilan para hindi magpapigil ang SSS.
Para naman sa Defend Jobs Philippines, dagdag-pahirap sa mga manggagawa ang taas-kontribusyon sa SSS lalo na ngayong may pandemya.
Itinuring naman na kontrabida ng Bayan Muna party-list ang SSS ngayong pasko at sa halip umano na maningil ay ilabas daw nito ang ika-2 tranche ng pension hike na 1k.
Noong Miyerkules, inihayag ng SSS na tuloy ang dagdag-kontribusyon sa susunod na taon kung saan magiging 13k% na ang kontribusyon ng mga SSS member mula sa kasalukuyang 12% ng sahod.