Welcome sa Malakanyang ang naging pahayag ni Vice President Sara Duterte hinggil sa plano nitong pagtakbo sa 2028 presidential elections.
Sa isang ambush interview, sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin na bagama’t masyado pang maaga, pribilehiyo ni VP Sara na tumakbo sa pinakamataas na posisyon sa pamahalaan.
Una nang sinabi ni VP Sara na seryoso niyang pinag-iisipan ang pagtakbo sa 2028 presidential elections. – Mula sa ulat ni Gilbert Perdez (Patrol 13)