May magandang kahihinatnan ang plano ng Pangulong Rodrigo Duterte na talakayin kay Chinese President Xi Jinping ang arbitral ruling sa pinag-aagawang mga teritoryo sa South China Sea na pabor sa Pilipinas.
Ito, ayon kay dating Philippine Ambassador to Washington Jose Cuisia Jr., ay kahit pa hindi ito kilalanin ng China.
Sinabi ni Cuisia na sigurado syang hindi magbabago ang posisyon ng China subalit maaaring mapabilis naman ng pag-ungkat na ito ng Pangulong Duterte ang paglagda sa binding code of conduct sa South China Sea.
Kapag nagkataon, sinabi ni Cuisia na hindi lamang ang Pilipinas ang makikinabang kundi ang buong Association of SouthEast Asian Nations (ASEAN).