Tinutulan sa senado ni Senator Francis Tolentino, ang balak ng gobyerno na itambak sa New Clark City sa Tarlac ang 44,000,000 doses ng COVID-19 vaccines na nag-expire kamakailan.
Kasunod ito ng isiniwalat ni dating National Task Force (NTF) Deputy Chief Implementer at Bases Conversion and Development Authority (BCDA) Chair Vince Dizon, sa naganap na pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, na ang pasilidad sa nasabing lugar ang gagamitin bilang tambakan ng mga hindi nagamit at nasirang bakuna kontra COVID-19.
Ayon kay Sen. Tolentino, posibleng maapektuhan ang mga atletang tumatakbo at nag-eensayo sa lugar, dahil hindi ligtas sa kalusugan ang mga nasirang bakuna sakaling masinghot o maamoy ito ng isang tao.
Matatandaang kinalampag ng senador ang Department of Health (DOH) na gumawa ng paraan kung papaano madidispatsa ang nasabing bilang ng mga nasirang bakuna na magadudulot lamang ng banta sa buhay at kaligtasan ng publiko.