Pangungunahan ni Agriculture Secretary Kiko Laurel ang isang pulong sa Enero a – tres, para sa pagsasapinal ng planong tanggalin ang branding sa bigas.
Ipinaliwanag ni Agriculture Spokesman, Assistant Secretary Arnel De Mesa na nais ni Secretary Laurel na magkaroon ng standard ng labeling ng bigas upang hindi malito o maabuso ang mga consumer ng mga mapagsamantalang trader.
Nadiskubre anya ang ganitong estilo nang personal na mag-inspeksyon ang kalihim sa iba’t ibang palengke sa Metro Manila.
Partikular na napansin ni laurel ang isang uri ng imported rice na pamilyar sa kanya, na may landed cost na 40 pesos per kilo pero ibinebenta sa pamilihan ng mahigit 60 per kilo.
Ipinunto ni De Mesa na dapat ibatay ang presyo ng imported rice depende kung gaano ito kadurog.
Samantala, nilinaw ng Agriculture Secretary na hindi kasama sa pina-plantsang hakbang ang mga locally-produced rice upang maprotektahan ang mga local farmers at traders.