Kinuwestyon nina Senate Minority Leader at Senator Nancy Binay ang plano ng PCOO na pagtatayo ng media hub o broadcast station sa Mandaue City, Cebu.
Ayon kay kina Drilon at Binay, hindi naman “urgent” ang balak ng p.c.o.o. na maglagay ng P200 milyon media hub sa Visayas sa susunod na taon kaya’t dapat itong ipagpaliban.
Iginiit ni Binay na kahit may pampatayo ng media hub ang ahensya, nanganganib namang makaltasan ang 2022 budget ng 76 na public hospitals dahil sa pagtapyas sa budget ng Department Of Health.
Nilinaw ni PCOO Secretary Martin Andanar na magkakaroon ng TV studio, AM at FM station ang Visayas media hub katulad ng itinatayong media hub sa Davao City.
Inihayag naman si Drilon na bagaman hindi masama ang pagtatayo ng media hubs dahil magagamit sa pag-uulat kung ano ang ginagawa ng gobyerno, hindi naman ito napapanahon sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Samantala, kinuwestyon din ng mga senador ang hirit na P50 milyon ng PCOO para naman sa maintenance at iba pang operating expenses ng isang media training academy na itatayo ngayong taon sa Bukidnon.—sa panulat ni Drew Nacino mula sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)