Itinanggi ng China ang ulat na plano nilang magtayo ng Environmental Monitoring Station sa pinag-aagawang Scarborough o Panatag Shoal.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Hua Chunying, pinahahalagahan nila ang pagpapanatili ng kagandahan ng ocean ecology ng South China Sea.
Tila hindi rin anya naintindihan ng mga mamamahayag ang mga naunang pahayag ng Chinese Government sa halip ay binigyan ng kulay.
Bandang huli ay inihayag ni Hua na binibigyang halaga nila ang relasyon ng Pilipinas at Tsina pagdating sa usapin sa Panatag Shoal o Bajo De Masinloc.
By: Drew Nacino