Mariing binatikos ng Simbahang Katolika ang plano ng Department of Health na mamahagi ng condom sa mga mag-aaral sa susunod na taon
Ayon kay Fr. Gunigundo Garganta, Executive Secretary ng CBCP Episcopal Commission on Youth, masyadong mababaw ang pundasyon ng DOH para pigilan ang paglaganap ng sakit tulad ng HIV at AIDS
Hindi kailanman aniya tatanggapin ng simbahan ang paggamit ng condom o anumang uri ng contraceptives para pigilan ang pagkahawa ng sakit lalo’t pinipigilan din nito ang pag-usbong ng buhay
Kasunod nito, umapela ang simbahan sa pamahalaan na magkasa pa ng malawakang diyalogo upang ipaliwanag ang sitwasyon na siyang pangmatagalang lunas sa problema.
By: Jaymark Dagala