Napigilan ng mga awtoridad sa Germany ang pinaplanong pambobomba sa Berlin Airport.
Naaresto sa planong pag-atake ang bente dos anyos at syrian refugee na si jaber albakr.
Ayon sa german police, nakatanggap sila ng impormasyon mula sa secret service na may mga nagnanais na maglunsad ng terorismo.
Itoy kung saan pangunahing target ng mga suspek ang mga tren sa germany at isusunod ang paliparan sa berlin.
Narekober sa apartment ng suspek na si albakr ang kilo-kilong home explosive device na gaya ng ginamit sa Paris at Brussels attack.
By Ralph Obina
Photo Credit: AP