Napigilan ng militar ang di umano’y planong pangingikil ng New People’s Army (NPA) sa Alabel, Sarangani Province.
Ayon kay 1st Lt. Daryll Cansancio ng 73rd Infantry Batallion, noong nakaraang linggo pa nila minamanmanan ang kilos ng front committee 71 ng NPA.
Dahil dito aniya ay nagkaroon ng engkuwentro na ikinasugat ng isa nilang sundalo.
Narecover sa pinangyarihan ng engkuwentro ang improvised explosive device (IED) at iba pang gamit ng mga rebelde.
Samantala, nasa pitumpu’t dalawang (72) pamilya ang kinailangang ilikas subalit sa ngayon ay pinabalik na rin naman sa kani-kanilang tahanan.
—-