Ikinatuwa ni Kabataan Partylist Representative Terry Ridon ang plano ng Office of the Ombudsman na isalang sa preliminary investigation si Budget Secretary Butch Abad kaugnay sa Disbursement Acceleration Program (DAP).
Sinabi ni Ridon na bagamat hindi nila tukoy kung kaugnay ito sa kanilang mga isinampang kaso noong nakaraang taon, ang mahalaga ay umuusad na ang kaso.
Iginiit din ni Ridon na dahil mayroong immunity ang Pangulong Benigno Aquino III sa mga kaso, maaaring itabi muna ang pagsasampa ng kaso, hanggang matapos ang kanyang termino.
AUDIO: Bahagi ng panayam kay Representative Ridon
By Katrina Valle | Sapol ni Jarius Bondoc