Mariing itinanggi ng grupo ng mga hog raiser na may kartel o nagmamanipula sa presyuhan ng karne ng baboy sa mga pamilihan.
Ito ang iginiit ng grupong Pork Products Federation of the Philippines (Pro-Pork) matapos ipag-utos ni Agriculture Sec. William Dar ang pagtugis sa mga posibleng nanamantala sa presyo ng karneng baboy.
Ayon kay Pro-Pork Vice President Nicanor Briones, tila ginagawang palusot na lamang ng kagawaran ang umano’y kartel para pagtakpan ang kabiguan nitong makontrol ang pagkalat ng african swine fever o asf.
Muling iginiit ni Briones na ang sanhi ng walang prenong pagtaas sa presyo ng karneng baboy ay ang ASF, talamak na smuggling at sobra-sobrang pag-aangkat na siyang pumapatay sa lokal na industriya.
Sakaling ituloy ng DA ang pagpapataw ng price ceiling sa farmgate at trader’s price sa mga baboy, ibinabala ni Briones na ito na ang katapusan ng industriya ng pagbababoy sa bansa.