Suportado ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Isidro Lapeña ang panukalang paglalagay ng rice trading posts sa Sulu at Tawi-Tawi upang maibsan ang nararanasang krisis sa bigas sa mga naturang lugar.
Ayon kay Lapeña, maaaring magbenta at bumili sa mga rice trading center at mahihikayat ang mga negosyante na dumaan sa ligal na proseso ng pagpapadala ng bigas.
Gayunman, tutol ang opisyal sa hirit ni Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Piñol na gawing ligal ang pagpupuslit ng bigas sa Zamboanga, Basilan, Sulu at Tawi-Tawi (Zambasulta).
Hindi aniya nila ikinukunsidera ang panukalang payagan ang smuggling lalo’t labag ito sa mandato ng ahensya.