Hinimok ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma ang mga government employees na maging positibo at wag isipin ang rightsizing plan ng pamahalaan.
Aniya, hindi ito nangangahulugan ng downsizing o pagbabawas ng tao.
Paliwanag ng kalihim, sa positibong perspektibo, maaaring ang planong pagtitipid ng pamahalaan sa pamamagitan ng rightsizing ay magresulta sa mas madali at simpleng proseso.
Ani Laguesma, ang rightsizing ay ang pag streamline ng mga proseso at pagbabagong struktural kung saan mas mapapadali ang gawain sa trabaho.
Kasabay nito, tiniyak ni Laguesma na mananatili siya sa kanyang mandato na unahin ang seguridad at kaligtasan ng mga manggagawa mapa-gobyerno man o pribadong sektor. —sa ulat ni Aya Yupangco (Patrol 5)