Naghihintay na lamang ng imbitasyon mula sa Commission on Elections (COMELEC) ang Philippine National Police (PNP).
Ito’y kaugnay sa mga ikakasang paghahanda hinggil sa isasagawang plebesito para sa Bangsamoro Organic Law (BOL) sa Mindanao.
Ayon kay PNP Spokesman S/Supt. Benigno Durana Jr. nakahanda silang ilatag sa COMELEC ang mga plano para panatilihing ligtas at mapayapa ang gagawing plebesito.
Magugunitang inanunsyo ng COMELEC na sa Enero 21 ng susunod na taon isasagawa ang plebesito mula nang ganap na maisabatas ito nuong Hulyo.
Ang BOL ang siyang batas na magtatakda ng bagong Bangsamoro Juridical Entity na papalit sa umiiral na Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).
—-