Kinontra ng Samahan ng Industriyang Agrikultura o SINAG ang hakbang ng pamahalaan na paglalagay ng suggested retail price (SRP) sa bigas ngayong katapusan ng Oktubre.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni SINAG Chairman Rosendo So, na wala sa timing ang pagpapataw ng SRP sa bigas na tataon sa anihan ng palay kung saan tatamaan sa implementasyon ang mga magsasaka.
Iginiit ni So na dapat ay noon pa ipinataw ang SRP nang dumating sa bansa ang mga inangkat na bigas.
“Bakit hindi nila kinontrol ‘yung retail price ng mga imported rice na dumating, kasi ‘yun ang may problema eh nabanggit ata ni Secretary na mag-iimplement sila ng SRP after na mag-harvest ang ating mga magsasaka pero ang ano diyan dapat i-implement na ngayon ang SRP.” Pahayag ni So
(Ratsada Balita Interview)