Handa ang grupo ng mga empleyado at maging ng employers na pakinggan ang paliwanag ng Pag-IBIG Fund sa pinaplano nitong pagtataas ng kontribusyon.
Ayon kay Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines o ALU-TUCP Spokesperson Alan Tanjusay, sakali mang ipatupad ang dagdag singil sa kontribusyon hindi sana ito gawin ngayong taon dahil nagtaas na rin ng kontribusyon ang Social Security System (SSS).
Sinabi naman ni Sergio Ortiz Luis, pangulo ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP) na may epekto tiyak ang pagtataas ng kontribusyon ng Pag-IBIG subalit bukas naman silang pag-aralan ito.
Una nang inihayag ni Pag-IBIG Fund President at CEO Acmad Moti na plano nilang gawing 150 o 200 pesos ang kasalukuyang 100 pesos na kontribusyon dahil sa dumaraming miyembro ang nangungutang din.
Sakaling itaas ang kontribusyon, sinabi ni Moti na makapagdudulot ito ng mataas na take home rate sa mga loans at maging sa retirement benefits.
—-