Idinepensa ng Malacañang ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na tanggalin ang public bidding sa mga proyekto ng pamahalaan at sa halip ay gamitin ang swiss challenge system.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, naghahanap lamang ng alternatibong sistema ang Pangulo dahil napupuno na aniya ito sa mga katiwalian sa mga kontratang pinapasok ng pamahalaan.
Dagdag ni Roque, hindi na rin kinakailangan magpalabas ng executive order ng Pangulo sa pagpapatupad ng swiss challenge system dahil pinagbabatayan naman ang build-operate-transfer law.
Ginagamit na rin aniya ito sa malalaking proyekto tulad ng reconstruction ng Marawi City.
Una nang inihayag ni Pangulong Duterte sa kanyang arrival speech na plano niyang tanggalin ang mga bidding process para sa mga proyekto ng pamahalaan na nagiging dahilan ng pagkaka-antala at korapsyon.
—-