Sinalakay ng mga otoridad ang plantasyon ng marijuana sa isang bakanteng lote na pag ma may – ari ng gobyerno sa Brgy Tagbao, Cebu City.
Ayon kay City Mobile Force Commander Supt. Tim Alam, isang concerned citizen ang nag tip sa kanila tungkol sa nasabing pantasyon ng marijuana sa Sitio Mapa.
Aabot sa halos 3,000 tangkay ng mga fully grown at young marijuana stalks ang binunot sa naturang lugar.
Higit 200,000 ang estimated market value ng nasabing mga tanim na marijuana.
Inaalam na ngayon kung sino ang siyang nagpapatakbo ng naturang plantasyon.