Uubra nang ma-claim simula Abril 27 sa mga district offices ng LTO o Land Transportation Office sa Metro Manila ang mga nag-apply ng plastic driver’s license.
Ipinabatid ni LTO NCR Director Atty. Clarence Guinto na nakapag-imprenta na sila ng mga kailangang plastic driver’s license ng mga nag-apply noong isang taon.
Sinabi ni Guinto na hindi naibigay ng LTO ang plastic driver’s license ng mga driver na nag-apply ng non-professional at professional licenses dahil nagkaroon ng bagong ka-kontrata ang ahensya sa paggawa nito.
Nilinaw ni Guinto na ang driver’s license na ini-isyu nila ay para sa 3-year extension ng lisensya at hindi limang (5) taon na naunang pahayag ng lto.
By Judith Larino