Plastic pa rin ang pinakamalaking bahagi ng basura na nagkalat sa Manila Bay.
Ayon sa isang survey na ginawa bilang bahagi ng Enhancing Marine Litter Management in Manila Bay Project ng Korean International Cooperation Agency at ng Korean Marine Environment Management Corporation, nasa mahigit walong milyong marine litter ang naitala sa loob ng coastline ng Manila Bay noong 2023 hanggang 2024 kung saan karamihan dito ay plastic.
Ang mga natitira pa rito ay mula sa kahoy, metal, natural fibers, glass, rubber, paper at mixed materials.
Dahil dito, ipanawagan ng Ecowaste Coalition ang mas mahigpit na pagpapatupad ng mga batas tulad ng ra 9003 o Solid Waste Management Act at ra 9275 o Clean Water Act. – Sa panulat ni Jeraline Doinog