Binalaan ng Department of Health (DOH) ang publiko na huwag maging kampante habang nagpa-plateau ang numero ng kaso ng COVID-19 sa bansa.
Batay sa datos ng DOH, ang Pilipinas ay nakapagtala ng 2,633 na bagong kaso ng naturang virus kahapon.
Matatandaan na sinabi ng OCTA Research group noong nakaraang linggo na ang mga impeksyon sa COVID-19 sa Metro Manila ay maaaring tumaas na matapos bumaba ang COVID-19 growth rate sa National Capital Region (NCR).
Gayunpaman, nagbabala si OCTA Research Fellow Dr. Guido David sa posibleng paglaganap ng COVID-19 sa pagbubukas ng face-to-face classes sa bansa.