Handa si business tycoon at PLDT chairman Manny Pangilinan na tumulong sa DOTr para ayusin ang gusot sa NAIA kahapon na nakaapekto sa libu-libong pasahero.
Ayon ito kay Pangilinan kung saan handa silang i-alok ang colocation, data centers, connectivity at power supply protection.
Kabilang din si Pangilinan na naapektuhan ang flight mula Japan pa-Maynila.
Nabalam ang operasyon ng NAIA dahil sa technical issues at alas-4 ng hapon nang mag-resume ito, subalit tantya ng DOTr na aabutin ng tatlong araw para tuluyang magbalik sa normal ang airport operations.