Posibleng isagawa ang plebesito bago ang May 2019 midterm elections.
Ito, ayon kay Senate President Aquilino “koko” Pimentel, ay kung magkakasundo agad ang kongreso sa pagpapalit ng sistema ng gobyerno patungo sa federal form at iba pang proposed amendments sa 1987 constitution.
Ayon kay Pimentel, Pangulo ng ruling party na PDP-Laban, mas mainam na isagawa sa Mayo ng susunod na taon ang plebesito upang maratipikahan ang amendments sa pag-asang makabuo na ang kongreso ng kongkretong panukala sa Charter Change.
Pero kung handa naman na anya ang kahit isang paragraph proposal sa taumbayan sa Hunyo o Hulyo ay hindi na kailangang hintayin ang may 2019 gayong maaari namang itakda ang isang plebesito para sa naturang panukala.
Samantala, pinawi rin ni Pimentel ang mga suspetsa na magreresulta sa double taxation ang Pederalismo gayong magkakaroon naman ng dalawang lebel sa gobyerno.